Meralco: Rotational brownout sa Metro Manila, hindi ipatutupad ngayong tag-init

Nilinaw ng Meralco na walang umiiral na rotational brownout sa Metro Manila.

Sa gitna ito ng pagtaas ng konsumo ng kuryente ngayong tag-init.

Ayon sa power distributor, sapat ang supply ng kuryente sa bansa at tuloy-tuloy ang pagbibigay ng serbisyo sa 7.8 milyong customer nito.


Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng Meralco sa Department of Energy para masigurong walang magiging problema sa kuryente sa buong panahon ng tag-init.

Facebook Comments