Inanunsyo ngayon ng Manila Electric Company o Meralco na tataas 42 sentimos ang kanilang singil sa kuryente para sa buwan ng Oktubre.
Ayon sa Meralco, bunsod ito ng paggalaw sa presyuhan sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM gayundin ang pagmahal ng generation charge.
Kabilang din sa naka-apekto sa taas singil sa kuryente ay ang pagmahal din ng transmission at universal charge o ang mga nasasayang na kuryente dulot ng iligal na koneksyon.
Dahil dito, asahan na ang 84 pisong dagdag sa monthly bill ng mga kumokonsumo ng 200-kilowatt hour na kuryente habang 210 pesos naman ang madaragdag sa mga kumokonsumo ng 500-kilowatt hour.
Facebook Comments