Sinuspende muna ng Manila Electric Company (MERALCO) ang mga diconnection activities nito hanggang sa katapusan ng Agosto para sa mga consumers na hindi makakapag-bayad ng kanilang June billing.
Ayon kay MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga, ito ay para magkaroon ng panahon ang mga consumer na maayos at makapagbayad ng kanilang mga bayarin.
Kasabay nito, ipinaliwanag ni Zaldarriaga na kaya mataas ang kanilang bill nitong Hunyo ay dahil total billing na ito ng kanilang konsumo simula ng magkaroon ng community quarantine noong Marso.
Aniya, hindi ito estimated billing dahil actual na reading na ang natanggap ng mga consumer.
Sa kabila nito, pinag-aaralan naman ng MERALCO ang pagpapalawig pa sa pagbabayad ng bill ng hanggang Setyembre sakaling marami pa rin ang hindi makakapagbayad ng kuryente sa katapusan ng Agosto, 2020.