Disconnection activities sa mga MECQ areas, sinuspinde ng Meralco

Suspendido pa rin ang disconnection activities ng Manila Electric Cooperative (Meralco) sa mga lugar na nakasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Kasama rito ang Metro Manila, probinsya ng Laguna, Bulacan, Cavite, Rizal at lungsod ng Lucena sa Quezon hanggang sa katapusan ng Agosto.

Magpapatuloy naman ang operasyon tulad ng meter reading at bill delivery maging ang serbisyo ng kanilang mga service crew.


Maliban sa Meralco, palalawigin din ng MWSS, Maynilad at Manila Water ang kanilang service disconnection activities hanggang sa katapusan ng buwan.

Layon nitong maging available pa rin ang suplay ng tubig hangga’t hindi niluluwagan ang quarantine restrictions sa NCR.

Tiniyak naman ng dalawang water concessionaires ang pagsunod sa direktiba.

Facebook Comments