MERALCO, tiniyak na hindi tatagal ng isang oras ang power interruption ngayong araw

Tiniyak ng MERALCO na hindi tatagal ng isang oras ang power interruptions.

Kasunod ito ng anunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng Red Alert sa Luzon Grid ngayong araw.

Kasabay nito ang manual load dropping (MLD) o rotational power interruption ng Meralco.


Pinapayuhan naman ng nasabing electric company ang publiko na kapag tumagal ng mahigit isang oras ang power interruption ay agad na tumawag sa kanilang hotlines.

Umaapela rin ng pag-unawa ang MERALCO sa kanilang consumers sa harap ng kakapusan sa supply ng kuryente.

Facebook Comments