Meralco, tiniyak na may contingency plans sakaling tumindi ang sitwasyon dulot ng giyera sa Ukraine at kakapusan ng suplay pagdating ng summer months at halalan

Tiniyak ng Meralco na may nakalatag silang contingency plans sakaling tumindi ang kaguluhan sa Ukraine at magtuloy-tuloy ang taas presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Sa isang virtual presser, sinabi ni Meralco Head of Utility Economics Larry Fernandez na sinisikap nilang matugunan ang epekto ng humihinang halaga ng piso at tumataas na global crude prices.

Asahan na aniya na magre-reflect ito sa Malampaya natural gas at sa generation cost.


Ayon naman kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, nagtutulungan ang lahat ng nasa power industry upang maiwasang may susulpot na unplanned outages sa pagpasok ng tag-init o summer months at sa pangangailangan sa kuryente sa pagdaraos ng halalan sa May 9.

Facebook Comments