Meralco, tumulong na para mapadali ang pagbabalik ng supply ng kuryente ng mga apektado ng Bagyong Odette

Sumaklolo na rin ang Manila Electric Co. (Meralco) upang mapabilis ang pagbabalik ng supply ng kuryente ng mga lugar na lubhang naapektuhan ng hagupit ni Bagyong Odette.

Agad na nakipag-ugnayan ang Meralco sa Department of Energy (DOE) at sa Visayan Electric Co. (VECO) at magpadala ng advance party sa Cebu upang asistihan ang mga pinsala ng Bagyong Odette na nawawalan ng kuryente.

Nagpadala na ang Meralco ng mga contingent na 50 engineers at linemen, 25 dito ay nakarating na sa Cebu at agad sinimulan ang clearing operations and power restoration sa mga probinsiya.


Nakipag-ugnayan din ang Meralco sa concerned offices, kabilang ang Philippine Navy at PLDT, para sa transportation ng kanilang karagdagang personnel, 15 vehicles, 11 generator sets, at heavy equipment upang tumulong na magtrabaho sa naturang lugar.

Paliwanag ng Meralco karagdagang mga tauhan at portable generator sets ang kasalukuyang naka-standby at handang ipadadala sa iba pang mga apektadong lugar.

Ang Meralco Group, sa pamaamgitan ng One Meralco Foundation, ay puspusan ang pakikipag ugnayan sa Philippine Disaster Resilience Foundation, MVP Group, Government at Private sector upang mag igay ng agarang tulong sa mga lubhang naapektuhan ng Bagyong Odette.

Kaugnay nito, ang Meralco PowerGen Corporation at Global Business Power Corporation ay nagbigay ng 20,000 liters ng diesel upang tumulong para sa generator sets ng PLDT at Smart, kung saan nagkapitbisig para maibalik kaagad ang komunikasyon sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments