“Merienda Cena,” tampok na menu sa SONA 2019

Tampok ang mga pagkaing Pinoy at Kastila sa menu para sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay House Press and Public Affairs Bureau Director Rica Dela Cuesta – ang Task Force SONA 2019 ay maghahanda ng “Merienda Cena” buffet para sa 900 bisita, kabilang ang mga miyembro ng diplomatic corpos, mga dating pangulo at cabinet secretaries.

Kasama sa merienda buffet, ang mga ‘finger foods,’ ay isisilbi ito sa South Wing lobby ng Batasang Pambansa.


Nilinaw ni Dela Cuesta – ang Merienda Cena ay para lamang sa mga VIP guest.

Aabot sa ₱675,000 ang ginastos nila para sa pagkain.

Ang menu para sa SONA ngayong taon:

  • Galantina (melba toast o crackers)
  • Empanaditas (tuna, laing o beef)
  • Crispy triangles ng flaked chicken adobo at mushrooms
  • Grilled pandesal na may Laguna cheese
  • Beef humba
  • Vigan longanisa

Maliban dito, mayroon ding crispy palabok, fish sticks at champinones ajillo, fresh lumpia ubod, ensaladang alimango at mangga, croquetas de bacalao, inasal na manok at mango and strawberry fruit tartelettes.

Hindi rin mawawala sa menu ang bibingka galapong, puto bumbong at turrones de saba.

Para sa drinks, mayroong ice tea, lemonada, kape o tsaa.

Facebook Comments