MERON NA | Opposition Senators, may abogado na sa oral arguments kaugnay ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC

Manila, Philippines – May abogado na ang opposition senators para sa oral arguments ng Korte Suprema sa inihain nilang petisyon sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court.

Naghain ng formal entry of appearance sa Supreme Court si dating Akbayan Partylist Representative Ibarra Gutierrez III para ipagbigay-alam na siya ang tatayong legal counsel nina Minority Senators Francis Pangilinan, Franklin Drilon, Bam Aquino, Leila de Lima, Riza Hontiveros at Antonio Trillanes IV kaugnay sa ICC withdrawal case.

Noong Martes , No show ang mga senador sa oral arguments dahil wala silang abogado na maglalahad ng kanilang argumento at sasalang sa interpelasyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema.


Una rito, hindi pagbigyan ng Supreme Court ang hirit ng nakakakulong na si De Lima na humarap sa pagdinig at idepensa ang kanilang petisyon.

Itinakda ang susunod na oral arguments ng Korte Suprema sa September 4 dakong alas-2 ng hapon.

Facebook Comments