MERON PA | BI, aminadong may mga tiwali pa sa kanilang hanay

Manila, Philippines – Welcome sa Bureau of Immigration ang pananatili ng Pilipinas sa Tier 1 rating ng US State Department para sa taong 2018

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, lalo pa nilang ipagpapatuloy ang mahigpit na implementasyon ng immigration laws.

Sa pinakahuling report ng US State Department, napanatili ng bansa ang premier TIP status o Trafficking in Persons status nito sa tatlong sunod na taon.


Ang Tier 1 rating ay ipinagkakaloob sa mga bansang nakasusunod sa miminum standards ng US Trafficking Victim Protection Act.

Sa kabila nito, Aminado ang BI na hindi pa rin tuluyang nawawala ang kurapsyon sa kanilang hanay.

Facebook Comments