Itinuturo ng Dept. of Health (DOH) na posibleng Methanol poisoning ang dahilan ng pagkamatay ng nasa 12 katao at pagkaka-ospital ng daan-daang residente ng Laguna at Quezon matapos uminom ng lambanog.
Ayon kay DOH Usec. Eric Domingo, ang maling paraan at minadaling proseso ng paggawa ng lambanog ay posibleng magdulot ng pagkakaroon ng methanol na mapanganib sa tao.
Hinikayat naman ni Domingo ang mga lambanog manufacturer na tiyaking may approval mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang produkto.
Sinabi naman ni Philippine General Hospital Spokesperson Jonas Del Rosario, walang home remedy para sa Methanol poisoning kaya malahagang isugod agad ang biktima sa hospital.
Tiniyak ng pamunuan ng PGH na nasa maayos na ang kalagayan ng ilan sa mga pasyente.