Manila, Philippines – Patuloy pa ring makakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila at ang malaking parte ng Western Luzon bukas (July 29).
Ito ay matapos na lalo pang lumakas ang bagyong Gorio, kung saan umaabot na sa 130 kilometers per hour ang bugso ng hangin nito.
Patuloy ding hinahatak ng bagyong Gorio ang hanging habagat sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.
Sa ngayon ay nakataas pa rin ang storm signal number 1 sa Batanes group of islands.
Kaugnay nito, patuloy ding mino-monitor ng PAGASA ang namuong bagyo sa West Philippine Sea pero wala naman itong magiging direktang epekto sa bansa.
Samantala, malayo pa sa spilling level ang karamihan sa mga major dams sa Luzon.
Sa ngayon, ang La Mesa Dam ay nasa 77.81 cubic meter pa lang, malayo pa ito sa spilling level na 80.
Habang ang Ipo dam naman ay nasa above spilling level na, at ang Angat Dam naman ay nasa 187 cubic meter na kung saan malayo pa ito sa spilling level.
Ganoon din ang San Roque at Ambuklao Dam habang ang Magat Dam naman ay nasa 185 cubic meters na.