Metro Manila at CALABARZON, dapat maibaba sa Modified GCQ sa lalong madaling panahon

Iginiit ng Department of Finance (DOF) na kailangan nang maibaba sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa lalong madaling panahon ang National Capital Region (NCR) at CALABARZON.

Sa televised briefing, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, importante ito para mapalakas muli ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Binigyang diin ni Dominguez na nakasentro ang ekonomiya ng bansa sa Metro Manila at Region 4-A.


Suportado rin niya ang targeted lockdown ng mga barangay at kumpanya na may mataas na kaso ng COVID-19.

Sinimulan ng Pilipinas ang taong 2020 na may matibay na ekonomiya subalit nauga ito ng pandemya.

Facebook Comments