Inihayag ngayon ng Department of Health (DOH) na tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa.
Ito ang kinumpirma ni Dr. Althea de Guzman, Director ng DOH Epidemiology Bureau kung saan ang National Capital Region (NCR) ang nangunguna sa mga rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19.
Ang Cavite naman ang nanguna sa mga lugar na may maraming bagong kaso ng sakit base sa nakuhang datos ng DOH.
Bukod dito, sinabi pa ni Dir. De Guzman na ang average daily cases ng COVID-19 ay unti-unting tumaas kumpara sa unang linggo ng mga buwan ng Mayo.
Ang ibang lugar naman na nasa NCR Plus area na naunang nakapagtala ng pagbaba ng kaso ay unti-unti na ring tumataas ang bilang ng tinatamaan ng virus nitong nakalipas na linggo.
Ang Region 2 at ibang bahagi ng Region 3 ay nakakapagtala rin ng mataas na kaso sa mga nakalipas na araw kung saan ang mga nabanggit na rehiyon ang siyang nakakapagtala ng mas maraming bilang ng tinatamaan ng COVID-19.