Iminu-mungkahi ng vaccine expert panel ng pamahalaan na manatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at iba pang high-risk provinces hanggang December 31, 2021.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, miyermbro ng vaccine expert panel, binigyang-diin nito na hindi dapat magpaka-kumpiyasa ang pamahalaan lalo na’t hindi pa naaabot ang herd immunity at wala pang 40 percent ng populasyon ang nababakunahan.
Sa interview ng RMN Manila, aminado si Department of Health (DOH) Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumabagal ang pagbaba ng kaso ng COVID-19, partikular sa National Capital Region (NCR) at ilang high-risk areas.
Ayon kay Vergeire, batay sa kanilang epidemic curves, ang NCR ay nasa 600 plus pa rin ang average per day ng COVID cases, hindi pa nito naaabot ang pre-surge level na 200 hanggang 400 cases kada araw.
Bukod sa NCR, mataas pa rin ang kaso sa Region 4A, 5, 6, 10 at 11.