Metro Manila at ilang karatig lalawigan, dapat pa ring manatili sa GCQ ayon sa mga eksperto sa UP

Hindi irerekomenda ng University of the Philippines OCTA Research Team na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Metro Manila at karatig lalawigan.

Ito ay kahit pa nakikita na ng mga experto ang “flattening the curve” ng COVID-19 cases kasunod ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong August 4, 2020 hanggang August 18, 2020.

Ayon kay Prof. Guido David ng UP-OCTA Research Team, bagamat may flattening of the curve na, kailangan pa rin ang masusing pag-aaral, obserbasyon at tutukan ang epekto nito upang matiyak na magtutuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


Aniya, dapat munang manatili sa General Communty Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at ilang lugar sa bansa lalo na’t puno pa rin ang mga ospital.

Paliwanag ni David, kung magpapadalos-dalos ang pamahalaan ay posibleng umakyat muli ang kaso ng COVID-19.

Batay sa pag-aaral ng UP-OCTA Research Team, bumagsak na mula sa 1.5 noong July sa 1.1 ngayong Agosto ang reproduction rate ng COVID-19, na isa sa indikasyon na nagpa- flatten na ang curve.

Facebook Comments