Metro Manila at kalapit probinsya, isang linggong makararanas ng power interruption simula ngayong araw!

46

Pitong araw na makararanas ng power interruption ang ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit probinsya ngayong linggo.

Ito’y dahil sa isasagawang maintenance work, facility relocation at pole replacement na isasagawa ng meralco sa iba’t ibang parte ng Luzon.

Kabilang sa maaapektuhan nito ay ang Sta. Rosa, Cabuyao City at Nagcarlan sa Laguna; Meycauayan at Calumpit sa Bulacan; General Trias, Cavite at mga bayan ng Angono at Cainta sa Rizal.

Habang apektado rin ang ilang lugar sa Quezon City, Maynila, Caloocan at Makati sa NCR.

Magsisimula ngayong araw ang power interruption at tatagal hanggang October 12.

Facebook Comments