Mananatili sa Alert level 1 ang Metro Manila at malaking bahagi ng bansa simula July 1 hanggang July 15, 2022.
Ito ay base sa pinakahuling desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Kasunod nito, gumamit ng bagong matrices (matrix) ang IATF sa pagtukoy ng Alert Level System at alert level classification sa provinces, Highly Urbanized Cities (HUCs), Independent Component Cities (ICCs), component cities at municipalities.
Kabilang sa mga matrix na gagamiting basehan sa pagtukoy ng Alert Level System ay ang pagtanggal ng two-week growth rate sa pagdetermina ng Case Risk Classification.
Ang Case Risk Classification ay ibabase na ngayon sa Average Daily Attack Rates (ADAR) at ang kasalukuyan nitong thresholds.
Mananatili ang total beds utilization rate at current thresholds sa pagtukoy sa health system capacity.
Ang alert level ay ibabase sa Revised Cross Tabulation ng kabuuang beds utilization rate and ADAR.
Sa ngayon, nasa 85 out of 121 provinces, HUCs and ICCs at 166 out of 744 other component cities and municipalities ang nasa ilalim ng Alert Level 1.