Metro Manila at mga karatig lalawigan, posibleng manatili sa mas mahigpit na quarantine status

Posibleng malagay pa rin sa mas mahigpit na quarantine status sa Metro Manila at mga karatig lalawigan nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay kung hindi magbabago at kung patuloy pang tataas ang kaso ng COVID-19 sa loob ng ‘NCR Plus’ bubble.

Pero hindi naman aniya aabot muli sa pagsasara ng mga negosyo ito bagkus ay hihigpitan pa ang galaw ng mga tao para hindi na kumalat pa ang virus.


Sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) bubble, tanging essential travel lamang ang pinapayagan habang limitado lamang sa alfresco dine-in ang mga kainan at bawal din ang malakihang religious gatherings.

Maliban pa ito sa pagpapatupad ng uniformed curfew hours na nagsisimula ng alas-10:00 ng gabi hanggang ala-5:00 ng madaling araw.

Facebook Comments