Metro Manila, CALABARZON at ilang bahagi ng Bulacan, iminungkahing ituloy ang ECQ

Inirekomenda ng ilang ekspertong nakapulong nitong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ilang bahagi ng Luzon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, ilan sa mga opsyon na lumabas sa pulong ay ipagpatuloy, ‘di naman kaya i-relax o ‘di naman ay completely itigil ang ECQ sa iba’t-ibang lugar ng bansa, depende sa dami ng kaso ng COVID-19.

Kabilang, aniya, sa mga inirekomenda ng ilang eksperto kay Pangulong Duterte na ituloy ang ECQ ay ang Metro Manila, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at ilang bahagi ng Bulacan dahil sa mga nabanggit na lugar ay mataas ang kaso ng COVID-19.


Magkagayunman, wala pang desisyon hinggil dito ang Pangulo at posibleng bukas, Huwebes, ilabas na ng Pangulong Duterte ang kanyang desisyon kung magkakaroon ba ng extension ng ECQ, kung mayroon ay saan saang mga lugar ito paiiralin.

Facebook Comments