Metro Manila, Cebu at Davao, unang makatatanggap ng Sinovac Vaccines

Unang makatatanggap ng supply ng coronavirus vaccine ng Chinese Pharmaceutical firm na Sinovac ang Metro Manila, Cebu at Davao City.

Ito ang sinabi ng Malacañang kasabay ng pagdating ng 600,000 doses ng Sinovac vaccines ngayong buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mayroon nang listahan ang pamahalaan ng unang makatatanggap ng Sinovac vaccines at magmumula sila sa tatlong nabanggit na lugar.


Ang mga lugar kasi aniya ay mayroong mataas na attack rate ng virus.

Una nang ipinaliwanag ng gobyerno na isasagawa ang vaccine rollout sa mga lugar na may mataas na COVID-19 cases.

Pagtitiyak ni Roque na ligtas ang Sinovac vaccines at walang sinuhulan sa Food and Drug Administration (FDA) para bigyan ito ng Emergency Use Authorization (EUA).

Nabatid na naglabas na ang FDA ng EUA sa CoronaVac ng Sinovac.

Facebook Comments