Nagkasundo ang 17 alkalde ng Metro Manila na bumuo ng mga task force para pag-aralan ang mga hakbang sa harap ng banta ng El Niño.
Ayon kay San Juan Mayor at Metro Manila Council (MMC) President Francis Zamora, ang naturang mga task force ang tutukoy kung anong mga establisyemento ang dapat i-regulate sa paggamit ng tubig.
Sa naturang mga rekomendasyon din anila ibabatay ang mga ordinansa na kanilang ililikha hinggil sa pag-regulate sa paggamit ng tubig.
Kanina, nagpulong ang mga alkalde sa NCR sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan tinalakay nila ang mga paghahanda sa El Niño.
Una nang naglabas ang PAGASA ng El Niño alert noong May 2.
Sinasabing posibleng tumagal ang El Niño sa bansa hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon.