Inilabas na ng Metro Manila Council ang panuntunan para sa mga tindero at iba pang tauhan sa mga bazaar, tiangge at pop-up store sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan.
Batay sa MMC Resolution No. 21-27, kailangang obligahin ang mga tindero, exhibitor, organizer at iba pang tauhan na magpabakuna na bago magsagawa ng mga Christmas bazaar, tiangge at pop-up store.
Paliwanag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, dapat bakunado ang mga vendor sa mga bazaar dahil parte ang mga ito ng tinatawag na economic frontliner.
Aniya, makakatulong din ito na mabawasan ang panganib ng pagkalat ng virus.
Facebook Comments