Metro Manila Council, kasalukuyang nagpupulong para sa pagpapalawig ng number coding scheme sa Metro Manila

Nagsagawa ng pulong ang Metro Manila Council (MMC) sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lungsod ng Pasig para pag-usapan ang gagawing adjustments sa pagpapatupad ng number coding scheme ng mga sasakyan sa Metro Manila kasabay ng planong pagbabalik ng full face-to-face classes.

Pinangunahan ang pulong ni MMDA acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga, kasama ang mga mayor ng Metro Manila at kanilang kinatawan.

Ayon sa MMDA, ginagawa ang pulong para talakayin ang usapin kung sakaling tumaas pa ang dami ng mga sasakyan sa mga kalsada kasabay ng balik-eskwela.


Sa ngayon kasi ay ipinapatupad ang number coding scheme sa Metro Manila tuwing rush hour.

Una nang sinabi ng MMDA na ilang mga paaralan na rin ang nakikipag-ugnayan sa kanilang ahensya para sa pedestrian marking at misting ng campuses bilang paghahanda sa pagbubukas ng mga klase.

Maliban dito, sinimulan na rin ng MMDA ang paglilinis sa mga kalsada at paged-deploy ng traffic enforcers para maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa National Capital Region (NCR).

Facebook Comments