Metro Manila Council, magpupulong para pag-usapan ang sitwasyon ng community quarantine sa NCR

Nakatakdang magpulong sa darating na linggo ang mga miyembro ng Metro Manila Council (MMC) para pag-usapan ang sitwasyon ng community quarantine sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, Chairman ng MMC, pag-uusapan nila kung ibababa na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) o mananatili sa General Community Quaarantine (GCQ) ang NCR.

Sinabi pa ni Olivarez na unti-unting bumababa ang trend ng COVID-19 sa NCR kung saan kakaunti na rin ang naitatalang kaso.


Pero kung si Olivarez ang tatanungin, mas nais niyang manatili sa GCQ ang Metro Manila para tuluyang mapapaba ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Iginiit pa ng alkalde na hindi maaaring mag-relax at kailangan tuloy-tuloy ang mga ginagawang mga protocol gayundin ang minimum health care.

Facebook Comments