Metro Manila Council, muling iginiit ang pagpapalawig ng GCQ sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng 2020

Muling hinimok ng Metro Manila Council (MMC) ang national government na panatilihin ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila hanggang December 31, 2020.

Ang rekomendasyon ay kasunod ng pagpapalawig ng GCQ sa NCR hanggang sa Oktubre.

Ayon kay MMC Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ito ay para magkaroon ng “continuous strategy” ang mga lokal na pamahalaan at maiwasan ang muling pagsipa ng kaso ng COVID-19.


Naisumite na ng MMC ang rekomendasyong ito sa Inter-Agency Task Force.

Facebook Comments