Metro Manila Council, naghahanda para sa COVID-19 Delta variant

Nangangailangan ang Metro Manila Council (MMC) ng karagdagang 5,000 contact tracers sakaling pumasok sa capital region ang mas nakakahawang COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos, ipinaprayoridad ang agresibong contact tracing at testing para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Mahalaga aniyang maalalayan ang mga kaso sa NCR.


Sakaling magkaroon ng pagtaas ng kaso, agad na magagawan ng aksyon.

Nakiusap din ang MMC sa pamahalaan na panatilihin ang mahigpit na border controls para hindi makapasok ang Delta variant.

Facebook Comments