Metro Manila Council, nakatakdang magpulong bukas hinggil sa posibilidad na pagpapalawig muli ng ECQ sa NCR

Nakatakdang magpulong bukas ang Metro Manila Council (MMC) para talakayin ang posibleng pagpapaluwag o pagpapalawig pa ng Enhanced Community Quarantine sa NCR pagkatapos ng May 15.

Ayon kay MMC Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, bukas din nila isasapinal ang mga rekomendasyong isusumite nila sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Pero kung siya aniya ang tatanungin, masyado pang maaga para luwagan ang quarantine restriction sa NCR.


Magiging mahirap at magulo kasi aniya kung magkaibang state of quarantine ang ipatutupad sa bawat lungsod lalo’t magkakadikit lang ang mga ito.

Dagdag pa ni Olivarez, makakatulong ang panibagong extension para makapagsagawa ng mas malawak na COVID-19 mass testing ang mga Local Government Unit (LGU).

Facebook Comments