Kinumpirma ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora na magpupulong ang mga alkaldeng kasapi ng Metro Manila Council mamaya, Marso a-2.
Ayon kay Mayor Zamora, kabilang sa mga tatalakayin ay ang panukalang buwagin na ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Gayundin ang sagot ng MMC kaugnay ng naka-ambang kilos protesta ng mga grupong pangtransportasyon na tutol sa Jeepney Phase out.
Isasagawa aniya ang pagpupulong sa punong tanggapan ng MMDA sa Pasig City na susundan ng isang Pulong Balitaan matapos ang kanilang pagpupulong.
Facebook Comments