Metro Manila Council, sang-ayon na i-extend ang GCQ sa NCR

Pinaboran ng Metro Manila Council (MMC) ang pagpapalawig ng General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay MMC Chairman Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, karamihan sa mga alkalde sa Metro Manila ay sang-ayon na palawigin ang kasalukuyang community quarantine.

Pero sinabi ni Olivarez na magkakaroon ng kaunting pagbabago sa GCQ para bigyang daan ang pagbubukas ng ekonomiya na hindi nasasakripisyo ang health at safety protocols.


Ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay pinag-aaralang payagan ang mga restaurants sa 50% seating capacity para sa dine-in customers.

Ang religious gatherings ay mananatili sa 10% seating capacity.

Sinisilip na rin ng Land Transportation Office (LTO) kung maaaring dagdagan ang pampublikong sasakyan sa kalsada.

Samantala, nakatakdang i-anunsyo ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine classifications na ipapatupad sa iba’t ibang bahagi ng bansa simula bukas, July 16.

Facebook Comments