Metro Manila, dapat pa ring manatili sa GCQ, ayon sa mga eksperto

Patuloy na iginiit ng mga eksperto at ilang alkalde na dapat pa ring manatili sa General Community Quarantine (GCQ) status ang Metro Manila.

Ito ay sa kabila ng pagbaba na ng mga naiitalang positibo sa COVID-19 kada araw.

Una rito, sinabi ni dating National Task Force on COVID-19 response adviser Dr. Tony Leachon na hindi muna dapat ibaba ang quarantine status ng Metro Manila para hindi masayang ang pinaghirapan ng pamahalaan sa loob ng pitong buwan.


Makakapag-handa rin aniya tayo na makapagsagawa ng mas malawak na testing, contact tracing, isolation at quarantine kapag pinalawig pa ng isang buwan ang umiiral na GCQ.

Samantala, posibleng magpulong muli ang Metro Manila Council ngayong araw para pag-usapan ang magiging rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kahihinatnan ng quarantine status ng Metro Manila.

Facebook Comments