Metro Manila, Davao, Cebu, ipaprayoridad sa pamamahagi ng COVID vaccine; negosasyon sa apat na vaccine manufacturers, sinimulan na – Galvez

Target iprayoridad ng pamahalaan na iprayoridad sa pamamahagi ng COVID-19 vaccine ang mga lugar na itinuturing na episentro o may mataas na kaso tulad ng Metro Manila, Davao at Cebu.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., nagsimula nang makipagnegosasyon ang pamahalaan sa vaccine manufacturers partikular ang AstraZeneca, Sinovac at Pfizer para sa potensyal na vaccine supply.

Handa ang pamahalaan na magkaroon ng advance commitment sa AstraZeneca kung saan maaaring magbigay ng 20 milyong doses ng bakuna sa Pilipinas.


Kapag nalagdaan ang kasunduan, maaaring maging available ang vaccine supply sa ikalawang kwarter ng 2021.

Bukod dito, nakikipagnegosasyon din ang gobyerno para sa bakuna ng Johnson & Johnson.

Maaaring makakuha ang Pilipinas ng 60 million doses ng bakuna kung sakaling magtagumpay ang mga negosasyon.

Sinabi rin ni Galvez na ang istratehiya sa pamamahagi ng bakuna ay magiging geographical o mga lugar na nakikitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Pagkatapos pipiliin ang mga sektor na target na mabakunahan tulad ng mga mahihirap, health care workers at vulnerable individuals.

Facebook Comments