Metro Manila DRRM Council, irerekomenda sa Malacañang at DILG ang pagsususpinde ng klase sa NCR bukas dahil sa Bagyong Opong

Irerekomenda ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Council sa Malacañang at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsusupinde ng klase bukas sa National Capital Region.

Bunga ito ng inaasahang malakas na ulan na dulot ng Bagyong Opong at pinalakas na habagat.

Sa pulong ng Metro Manila DRRM Council kanina , sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes na nakahanda ang kanilang ahensya sa epekto ng bagyo.

Tiniyak naman ni Artes na naka-alerto na ang nasa 300 na mga tauhan mula sa Road Emergency Group, Public Safety Division, Clearing Group, at Traffic Group, at Emergency Operating Center.

Nakahanda na rin aniya ang rubber boats at iba pang kagamitan para sa pagtugon sa emergency.

Naka-preposition aniya ang mga ito sa mga lugar na madalas bahain tulad ng CAMANAVA at ilang lugar sa Quezon City.

Katuwang ng MMDA sa pagtugon sa oras ng kalamidad ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments