Handang-handa na ang Metro Manila sa oras na ibaba sa Alert Level 2.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, maganda ang ipinapakita ng mga datos kung saan patuloy na bumababa ang mga kaso ng COVID-19.
Habang bukod dito, marami na rin ang sumusunod sa health protocols.
Pero gayunpaman, sinabi ni Abalos na ipinapaubaya pa rin nila sa Department of Health (DOH) ang desisyon kung ibababa na ang Alert Level ang rehiyon.
Sa ngayon, maituturing nang nasa low risk sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR).
Ito ay matapos bumaba na sa 6% mula sa 8% ang positivity rate sa rehiyon.
Bumaba na rin sa 7 ang Average Daily Attack Rate (ADAR) kada 100,000 indibidwal.
Habang ang seven-day average ng bagong kaso sa Metro Manila ay bumaba sa 901 mula sa 1,405 na naitalang bagong kaso noong nakaraang linggo.