Metro Manila, handang sumailalim sa ECQ basta may SAP – Abalos

Nanawagan ang Metro Manila mayors sa pamahalaan na magpatupad ng mahigpit na quarantine measures sa harap ng banta ng Delta variant.

Nabatid na nagkaroon ng meeting ang mga alkalde kasama ang mga health experts kahapon.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos, handa ang mga alkalde na isailalim ang kanilang jurisdictions sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) basta makapagbigay ang pamahalaan ng panibagong round ng Social Amelioration Program (SAP) para sa kanilang mga kababayan.


Sakaling may pondo pa ang national government para sa SAP, pwedeng ideklara ang ECQ sa National Capital Region (NCR) sa loob ng dalawang linggo.

“Needless to say, SAP is important to address the concerns of underprivileged families as they will be the ones who will be greatly affected by the ECQ declaration,” ani Abalos.

Nanawagan din ang mga local chief executives na dagdagn ng nasa apat na milyong bakuna ang NCR at buksan ang pagbabakuna sa general population.

Palalakasin din ang contact tracing, massive testing at strict isolation para mabawasan ang kaso sa Metro Manila.

Magsasagawa rin ng pinaigting na monitoring ng kanilang mga constituents lalo na sa pagsunod sa basic health protocols.

Facebook Comments