Nanindigan ang Malacañang na hindi maaaring ibaba ang Metro Manila sa mas maluwag na Modified General Community Quarantine (MGCQ ) kung patuloy na magpapabaya ang publiko at hindi susunod sa minimum health standards.
Ang Metro Manila ay ikinokonsiderang episentro ng COVID-19 pandemic sa bansa ay kabilang sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mahalagang sundin ng publiko ang “Mask,” “Hugas,” “Iwas” kung nais ng lahat na buksan ang ekonomiya.
Pero iginiit din ni Roque na kapag hindi binuksan ang ekonomiya, patuloy na mararanasan ng ilan sa mga kababayan ang gutom.
Una nang inirekomenda ng Metro Manila mayors na panatilihin sa GCQ ang capital region hanggang sa susunod na buwan.
Facebook Comments