Metro Manila, hindi pa masasabing magiging resilient sa Delta variant ng COVID-19

Mahirap pang masabi sa ngayon kung magiging resilient na sa Delta variant ng COVID-19 ang Metro Manila sa mga susunod na buwan.

Reaksyon ito ni Philippine Genome Center (PGC) Executive Director Cynthia Saloma, kasunod ng pahayag ng OCTA Research na malapit nang maging Delta resilient ang National Capital Region (NCR), lalo’t ang mga Local Government Unit (LGU) sa rehiyon ay nakapagbakuna na ng nasa 20%-70% ng kanilang populasyon.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Saloma na kahit kasi ang pagbabakuna ang paraan upang maprotektahan ang publiko sa mga bagong variants ng COVID-19, ang pagsunod sa minimum public health protocols at social distancing ay malaking papel din ang ginagampanan sa paglaban sa virus.


Kaugnay nito, binigyang diin ni Dr. Saloma na importante pa rin na magpabakuna na ang lahat.

Para naman sa mga nabakunahan na, ugaliin pa rin aniya ang pagsunod sa mga minimum health protocols.

Facebook Comments