Masyado pang maaga para tuluyang magluwag o tanggalin na ang restrictions sa bansa partikular na sa National Capital Region (NCR).
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante na isa sa mga miyembro ng Vaccine Expert Panel na sa tingin niya ay kailangan pa ring manatili sa Alert Level 2 ang Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa at hindi kailangang magmadali.
Ani Solante, kailangan munang makita ang mga datos sa susunod na dalawang linggo kung mas bababa pa ito.
Mahirap kasi aniya na magbaba ng alerto pagkatapos ay muling sasampa ang kaso at muli nanamang itataas ang alerto kalaunan.
Nabatid na hanggang February 15 ang pagiging epektibo ng Alert Level 2 at bago sumapit ang petsang ito ay inaasahang maglalabas ng bagong desisyon ang IATF kung ano ang susunod na paiiraling Alert Level sa bansa mula sa February 16, 2022.