Metro Manila, hinigpitan ang seguridad kasunod ng Jolo twin bombing

Personal na nag-ikot sa mga checkpoint, MRT at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si National Capital Region Director Guillermo Eleazar.

Ito ay matapos ilagay sa full alert status ang Metro Manila kasunod ng nangyaring pagpapasabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Eleazar, bagaman walang natatanggap na banta sa seguridad sa Metro Manila mabuti na aniyang maging handa.


Sabi pa ni Eleazar, mas maghihigpit sila sa mga checkpoint at oplan sita.

Bukod rito, magdaragdag din aniya sila ng mga pulis sa mga matataong lugar gaya ng mga mall, eskwelahan at simbahan.

Kasabay nito, umapela si Eleazar sa publiko na huwag matakot at mag-panic.

Maigi aniyang maging mapagbantay at agad i-report sa mga awtoridad ang kahina-hinalang tao sa kanilang paligid.

Facebook Comments