Metro Manila, inaasahang ibabalik na sa GCQ ayon sa MMC

Inaasahan ng Metro Manila Council na ibabalik na muli sa General Community Quarantine ang National Capital Region matapos ang Agosto 18.

Ayon kay Metro Manila Council Chairperson at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng trend ng COVID-19 ay pwede nang ilagay muli sa GCQ ang Metro Manila.

Sa pananaw ng Alkalde, naging epektibo ang ipinatupad na Modified Enhanced Community Quarantine para mapababa ang kaso ng COVID-19 sa NCR.


Inihalimba nito ang pagbaba ng active COVID-19 cases sa Parañaque City kung saan mula sa 876 na kaso noong August 4, 2020 ay nasa 651 na lang ito ngayon.

Kahapon ay nakapagtala ng 2,618 na new cases ng COVID-19 ang Department of Health sa Metro Manila.

Bunsod nito, sumampa na sa 143,749 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 68,997 ang naka-recover habang 2,404 ang nasawi.

Facebook Comments