Metro Manila, isinailalim na sa Alert Level 3 simula ngayong araw

Simula ngayong araw ng Lunes, nasa ilalim na muli ng Alert Level 3 ang kalakhang Maynila na tatagal hanggang sa Enero 15.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ito ay upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso kada araw.

Sa kasalukuyan, hindi pa aniya tukoy kung ang mas nakakahawang Omicron variant na nga ang dahilan ng nararanasang surge pero hinikayat ni Abalos ang publiko na mas maging maingat.


Kahapon, nagpulong na rin ang Metro Manila mayors at kabilang sa mga tinalakay ang guidelines sa ilalim ng Alert Level 3.

Ito ay ang pagbabawal sa face-to-face classes, contact sports, fun fares kagaya ng mga perya, casino at gaming establishments at pagtitipon na hindi nagmula sa iisang bahay.

Samantala, papayagan pa rin ang interzonal at intrazonal travel pero may kapangyarihan ang Local Government Units na magpatupad ng limitasyon ukol dito.

Habang 30 percent capacity naman ang papayagan sa mga indoor activities at ibabalik na rin ang number coding mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Facebook Comments