Itinaas na ng Philippine National Police – National Capital Region Police Office (PNP – NCRPO) sa full alert status ang buong Metro Manila kasunod ng pagpapasabog sa kampo ng Philippine Army First Brigade Combat Team sa Indanan , Sulu, noong biyernes na ikinasawi na tatlong sundalo at limang indibidwal at aabot sa 22 ang sugatan.
Ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar na magiging mahigpit ang seguridad sa mga pampublikong lugar.
Binigyang-diin ni Chief Eleazar na wala silang natatanggap na banta sa seguridad at tanging Standard Operating Procedure (SOP) bilang tugon lamang sa pagsabog sa Sulu.
Hinimok ni NCRPO Chief na maging mapagmatyag at alerto ang publiko at huwag magdalawang-isip na lumapit sa mga pulis.
Maaari ring tumawag sa national emergency hotline 911 at NCRPO hotlines 0915 – 888 – 8181 o kaya sa 0999 – 901 – 8181.