Isa ang Metro Manila sa mga lugar na nakapagtala ng unemployment rate noong 2021.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa National Capital Region (NCR) ang 10.6% na unemployment rate maging sa CALABARZON o Region 4A.
Pumalo naman sa 9.2% ang unemployment rate sa BARMM.
Habang 8.2% sa Bicol Region at Region 1.
7.9 sa Region 4B o MIMAROPA.
Kung mapapansin, mas mataas ang mga naitalang unemployment rate sa bawat rehiyon kumpara sa national percentage na unemployment rate na 7.8% noong 2021.
Katumbas ito ng 3.78 milyon ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho noong nakalipas na taon.
Samantala, naitala naman sa Olongapo ang pinakamataas na unemployment rate o katumbas ng 14,000 indibidwal nawalang trabaho.
Facebook Comments