Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na maibaba ang Metro Manila at ang probinsya ng Laguna sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Magsisimula ito bukas, August 21 at matatapos hanggang sa August 31, 2021.
Pinayagan din ang probinsya ng Bataan na maibaba sa MECQ na magsisimula sa August 23 hanggang katapusan din ng Agosto.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa ilalim ng MECQ ay bawal ang indoor, al fresco dine-in services.
Hindi rin papayagan ang pagbubukas ng mga personal care services tulad ng; beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas.
Mananatili naman sa virtual activities ang religious gathering ayon kay Roque
Sa ngayon, pinayuhan ng malakanyang ang Local Government Units (LGUs) na paigtingin pa ang pagbabakuna maging ang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR).