Metro Manila LGUs, handa na sa Alert Level 1

Handa ang mga Local Government Unit (LGU) sa National Capital Region (NCR) sakaling ibaba ang rehiyon sa Alert Level 1.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Romando Artes, matagumpay ang NCR sa pagpapatupad ng COVID-19 response programs kung kaya’t handang-handa ang Metro Manila sa pagbaba ng alert level status nito.

Bukod dito ay pabor din ang apat na alkalde sa Metro Manila na ibaba na sa Alert Level 1 ang NCR.


Kabilang dito ang alkalde ng lungsod ng Parañaque, San Juan, Navotas, at Muntinlupa.

Samantala, sinabi naman ni Department of the Interior and Local Government Unit (DILG) Spokesperson Usec. Jonathan Malaya, na dapat pag-isipan ng mabuti kung handa na ang NCR sa Alert Level 1 dahil nababahala ang DILG sa pagpasok ng local campaign period.

Magsasagawa naman ng pagpupulong ang Metro Manila Council mamayang gabi hinggil sa magiging alert level status ng NCR sa Marso.

Facebook Comments