Posibleng ibaba sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR) kung magagawa ng Local Government Units (LGUs) na makatugon agad sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa ilang lugar.
Ito ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, co-chairperson ng Inter-Agency Task Force (IATF) bago mapaso ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila sa Miyerkules, July 15.
Ayon kay Nograles, maaaring patungo na ang Metro Manila sa “new normal.”
Iginiit ni Nograles na kailangang mabilis ang pagresponde ng mga LGU sa mga lugar na mayroong spike o surge ng mga kaso.
Hindi rin inaalis ni Nograles ang posibilidad na manatili ang NCR sa GCQ para mabigyan ng panahon ang mga alkalde na gamitin ang kanilang kapangyarihan na ilagay ang ilang lugar sa localized community quarantine.
Sa ngayon, hindi na inirerekomenda ng IATF ang home quarantine dahil mabilis na kumalat ang sakit sa kanilang paraan.