Metro Manila, maaaring ilagay sa MGCQ ayon kay Sec. Lorenzana

Nais ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na ilagay sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Metro Manila.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Lorenzana na gusto niyang luwagan ang quarantine restrictions sa Metro Manila

Pero paglilinaw niya na patuloy pa rin ang diskusyon para makabuo ng rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil dito.


Para naman kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, oobserbahan ang ‘new normal’ phase sa ilang lugar simula sa Hulyo.

Inaasahang magbibigay ng public address si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes para i-anunsyo ang magiging kapalaran ng National Capital Region (NCR) at iba pang lugar na nasa quarantine.

Facebook Comments