Metro Manila, malabong maging flood-free ayon sa DPWH at MMDA

Hindi nakapagbigay ng direktang sagot ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kung may posibilidad bang maging flood-free ang Metro Manila.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na maiibsan lamang ng 70% hanggang 80% ang baha sa Metro Manila oras na makumpleto ang flood control measures ng gobyerno.

Kabilang aniya sa drainage masterplan ang Marikina Dam project, Paranaque spillway, at pagtugon sa basura lalo na sa bahagi ng mga informal settlers.


Sinabi naman ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na ang inilatag na comprehensive drainage masterplan ay para sa rehabilitasyon at pag-upgrade ng drainage system sa NCR para ma-i-akma ito sa climate change.

Ang masterplan ay popondohan sa pamamagitan ng pag-utang mula sa World Bank.

Facebook Comments