Malaki ang posibilidad na maibaba na ang COVID-19 alert level sa Metro Manila bago sumapit ang pasko.
Kasunod ito ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases dito sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hinihintay lamang ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bumaba sa pitong porsyento ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa NCR mula sa kasalukuyang 7.7 percent.
Una nang sinabi ng OCTA Research Group na handa na ang Metro Manila na ibaba sa Alert Level 2 mula sa Alert Level 3 sa kalagitnaan ng Nobyembre.
Facebook Comments