Metro Manila, may posibilidad na manatili sa General Community Quarantine

Posibleng manatili ang National Capital Region sa ilalim ng General Community Quarantine pagkatapos ng June 15, 2020.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, hindi pa rin kasi bumaba ang bilang ng mga naitatalang COVID-19 cases sa Metro Manila.

Gayunman, nilinaw ng kalihim na hindi pa ito pinal at posible pang magbago depende sa magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF)


Aminado naman si Año na malabo pang maipatupad ngayong buwan ang “new normal” phase dahil sa patuloy na pagtaas ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Pero posible na aniya itong maipatupad sa Hulyo sa mga lugar na maaalis na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Facebook Comments